PADALE - Palos feat. JMara prod. by DJ Medmessiah

Title - Padale Written by Palos,JMara,Medmessiah Produced by DJ Medmessiah Shot by Jado Directed by DJ Medmessiah Executive producer Morobeats Ent. Socials : Palos - JMara - DJ Medmessiah - Morobeats - PADALE - Lyrics Chorus: Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig Lahat ng yan ay di padadaig Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x) (1) Maniniwala ka ba dyan? Dito ka sakin makinig Mas mabilis pa sa kartero mga komentaryo kong hatid Madaling araw kumulo hanggang ngayon mainit pa rin Laging bukambibig “kanton“ nitong mga kulang sa “pansit“ Walang ipapantay na rima para di tunog imbento Dapat ako ang lamang, tinaguriang pinakamalayang preso Sastreng gamit ay gantsilyo sa pagtatahi ng kwento Katotohanang walang kwenta kasinungalingang may presyo Matalas ang dila sa mga purol ang isip Bubusalan ng salapi para lamang ako ay manahimik Nasa pwesto lang sila pero wala sa katayuan Ang tanong kung nayabangan ito o tinag na ba yan? Maayos ako manghayop tiyak sira ang pagkatao mo Pagtitinginan ka parang singkit na biglang naubo Walang balat-sibuyas pag ako ang nagbalatkayo Pag pumikit ka na saka lamang may sisilip sayo (2) May kwentong magpapantay sa loob at labas ng kulturang siksikan Modernong galawan may palabas kung hangad pataas na paghila Gintong karangalan ay para lamang sa mga bitawang pasikat Habang may nag-aantay mga nilalang na likas na masikap Bagong balagtasan ng mga lipi sa siraan lamang nagkadiin Nagsisilabasan ang mga lihim na paraan para lang manaig Nagpapataasan ng mga ihi puro dumi nalabas sa bibig Hangad umakyat agad sa kalangitan nitong mga buhay na inip Hunghang lang ang sayo'y maniniwala Lilitaw ang tungkab ng pagtatagong ipinatag Pusong may lagablab pa rin ang syang mangingibabaw Sa bawat pagaspas prinsipyo ay naiingatan Inayawan ang salapi galing sa tanggapang gahaman Ang katapatan sa galing-galingan may malaking kalamangan Magkita tayo sa huli, doon mo lamang malalaman Dapat may ipong panukli buong-buo kami magbayad Chorus: Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig Lahat ng yan ay di padadaig Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x) Bridge: Pag-isipan mo munang mabuti Kung kaninong panig ka nga ba dapat sumali Chorus: Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig Lahat ng yan ay di padadaig Samu't-sari kung ano-ano kanya-kanyang padale Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale (2x) #padale #hunghang #palos #jmara #medmessiah #morobeats